Nakumpiska ang tinatayang Php714,000 halaga ng shabu mula sa isang High Value Individual sa isinagawang drug buy-bust operation ng Zamboanga City Drug Enforcement Unit katuwang ang Zamboanga City Intelligence Unit at Zamboanga City Police Station 11 sa pakikipagkoordinasyon ng PDEA Zamboanga City sa Room B3, Diamond Inn, Barangay Canelar, Zamboanga City nito lamang Marso 27, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr., City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Sabirin”, lalaki, 48 anyos, isang habal-habal driver at residente ng Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang (5) heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu at may timbang na 105 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php714,000 at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.