Matagumpay na idinaos ang Peace Covenant Signing: Makabagong Halalan para sa Makabagong Pilipinas 2025 sa Cebu Police Provincial Office Multi-Purpose Grounds nito lamang ika-26 ng Marso 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jovito M Atanacio, Acting Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office na dinaluhan ng mga mahahalagang tagapamahala ng halalan, kabilang sina Ms. Rebecca De los Santos, CCIMPEL Field Coordinator; Dr. Jesus Robel T. Sastrillo, Jr., DILG Provincial Director; at Atty. Marchel C. Sarno, Cebu Provincial Election Supervisor.
Itinampok sa naturang aktibidad ang panunumpa ng mga lokal na kandidato na isulong ang kapayapaan at integridad sa darating na halalan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Police Colonel Atanacio na ang paglagda sa kasunduang pangkapayapaan ay hindi lamang isang seremonya kundi isang sagradong pangako—isang matibay na panata para sa tapat, patas, at walang karahasang halalan, lalo na ngayong nalalapit na ang 2025 Midterm National and Local Elections pati na rin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Plebiscite (BARM PE).
“This covenant is a testament to our collective dedication to democracy. It is a solemn vow to protect the sanctity of the electoral process, ensuring that the voice of the people is heard, untainted by fear, intimidation, or fraud. The Cebu PPO stands firm in its duty to uphold peace, security, and the fundamental rights of every voter,” pahayag ni Police Colonel Atanacio.
Patuloy ang buong hanay ng kapulisan ng Cebu Police Provincial Office sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at komunidad upang tiyakin ang isang ligtas, tapat, at maayos na proseso ng halalan tungo sa isang Bagong Pilipinas.