Arestado ang isang indibidwal matapos itong mahulihan ng baril at droga na aabot sa Php68,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Camansi, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu nitong ika-24 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jewel Matura Nicanor, Chief ng City Intelligence Unit, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si alyas “Elias”, 27-anyos, residente ng Sitio Kagudoy, Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Cebu.
Bandang 10:23 ng gabi ikinasa ang naturang operasyon na humantong sa pagkadakip ng suspek.
Narekober mula sa suspek ang isang unit ng .38 caliber revolver, tatlong (3) bala, at walong (8) pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 10 gramo at may Standard Drug Price na Php68,000, isang pouch, belt bag, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” gayundin sa COMELEC Resolution No. 11067 o Gun Ban.
Katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, walang tigil ang mga kapulisan ng Lapu-Lapu City sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga upang mapanagot ang mga indibidwal na nasa likod ng mga ilegal na gawain na ito, dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.