Arestado ang isang Top 4 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong paglabag sa Section 5 and 2 Art. II ng Republic Act 9165 sa isinagawang joint law enforcement operation ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company katuwang ang Zamboanga City Police Station 1, 904th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9, at Zamboanga City Maritime Police Station sa Savanna Drive, Tumaga, Zamboanga City nito lamang ika-19 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Capurcos, Force Commander ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, ang naarestong suspek na si alyas “Meng”, 41 anyos, lalaki at residente ng Antipolo Drive, Tumaga, Zamboanga City.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad aa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco