Timbog ang isang indibidwal matapos maaresto ng mga tauhan ng Governor Generoso Municipal Police Station dahil sa ilegal na baril sa Purok 3, Barangay Luzon, Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang ika-19 ng Marso, 2025.

Ayon kay Police Captain Joeffre Q Narido, Officer-In-Charge ng Governor Generoso Municipal Police Station, nakatanggap ng tawag mula sa isang kagawad ng barangay tungkol sa suspek na umanoy may kalibre .45 na baril at nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang kinilalang si alyas “Gelven”, 30 anyos, residente ng Purok 9, Barangay Tibanban, Governor Generoso at nahaharap sa kasong paglabag sa COMELEC Gun Ban at Republic Act 10591.
Ang agarang aksyon na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP sa pangako ng maayos at ligtas na pamumuhay para sa mga mamamayan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino