Edsa Shrine, Quezon City (February 25, 2022) – Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Police District (QCPD) ang paggunita sa ika-36 anibersaryo ng EDSA Revolution sa EDSA Shrine, EDSA, corner Ortigas Avenue, Quezon City noong Pebrero 25, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Remus Medina, Director ng QCPD at dinaluhan ng 1,057 kapulisan mula sa District Headquarters at Police Stations na naka-deploy sa kahabaan ng EDSA at White Plains malapit sa People Power Monument.
Humigit-kumulang naman na 1,100 ang dumalo sa rally na inorganisa ng mga grupong Gabriela, Anak Pawis, Bayan Muna, Kabataan, Kadamay, Bunyag, Migrante, Philippine Medical Students Association, Head Alliance for Democracy, Agham at Act Teachers Party list.
Samantala, hinikayat ni Police Major General Vicente Danao, Jr., Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na mayroon silang karapatan na idulog ang hinaing o adhikain para sa pagbabago sa pamamagitan ng maayos at marangal na paraan ng pag-rally.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose-Ann V Moldes, RPCADU, NCR
???