Dating Police Major sa Korea National Police Agency na Top 1 Most wanted nahuli sa Naga City noong Oktubre 4, 2021.
Bandang 5:20 ng hapon sa Magsaysay Road, Naga City, nadakip ng mga operatiba ang Top 1 Most Wanted sa Korea sa pinagsamang puwersa ng Bureau Immigration sa pangunguna ni Rendel Ryan D Sy, Chief, Fugitive Search Unit at Police Station 6 sa pamumuno ni PMaj Alex T Sumayao, Station Commander kasama ang CUI, CMFC, 501st RMFB, 93CIP 9ID PA, 2nd PMCF, sa suberbisyon ni PCol Marlon M Catan, City Director.
Nakilala ang suspek na si Park Junhoong, 49 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Ceresa Compound, Dayangdang, Naga City. Siya ay apat na taon ng nagtatago.
Si Park ay akusado ng pangungulimbat ng 100 million US dollars sa Call Center Fraud sa bansang China, Vietnam, at Pilipinas ng ito’y magpakilalang Loan Officer ng isang Financial Institution.
Arestado ang suspek sa bisa ng Warrant of Deportation na may No. JHM/ BOC-2019-2016 sa kasong Two (2) Standing Arrest Warrant for Fraud na inisyu ni Senior Consul Lee Jinsoo ng Embassy ng Republic of Korea sa Manila na may petsang July 1, 2019.
Kasamang nahuli ni Park si Kil Jae Beak, 51 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Las Pinas City dahil sa overstaying dito sa Pilipinas.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 6, Naga upang sumailalim sa kaukulang dokumentasyon.
####
Article by Patrolwoman Shier “Kye” V. Ignacio