Napasakamay ng mga awtoridad ang isang menor de edad matapos itong makuhanan ng Php340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Cebu City PNP sa Sitio Puntod, Barangay Mambaling, Cebu City noong ika-18 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Michael John Arandia, Station Commander ng Police Station 11, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Coco”, 15-anyos, residente ng Sitio Naba Alaska, Barangay Mambaling, Cebu City.
Ikinasa ang nasabing operasyon bandang 9:10 ng gabi na humantong sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng 20 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo, at may Standard Drug Price na Php340,000, sling bag, at buy-bust money.
Patuloy ang Cebu City PNP sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga, alinsunod sa programa ng administrasyon upang makamit ang payapa at maayos na Bagong Pilipinas.