Wednesday, March 19, 2025

Bagong Women’s Quarters, pormal na nai-turn over sa Tuguegarao City Police Station

Matagumpay na isinagawa ang turn-over ceremony ng bagong Women’s Quarters sa Tuguegarao City Police Station bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month sa Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-18 ng Marso 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni NAPOLCOM Commissioner Atty. Ralph Calinisan katuwang ang LGU Tuguegarao sa pamumuno ni Hon Mayor Maila Ting Que.

Dinaluhan ito ng mga opisyal mula sa Local Government Unit ng Tuguegarao, mga kinatawan ng PNP at iba pang panauhin na nagpakita ng suporta sa mga kababaihan sa hanay ng kapulisan. 

Sa naturang seremonya, pormal na ipinagkaloob ang bagong Women’s Quarters, na magsisilbing ligtas at maayos na tirahan para sa mga babaeng pulis ng Tuguegarao City Police Station.

Nagkaroon din ng maikling programa kung saan ipinahayag ang kahalagahan ng proyektong ito sa kapakanan ng mga babaeng tagapagpatupad ng batas. 

Layunin ng aktibidad na bigyang-pugay at kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa hanay ng Pambansang Pulisya. 

Sa pamamagitan ng bagong pasilidad na ito, masisiguro ang maayos na kalagayan ng mga babaeng pulis at lalo pang mapalakas ang kanilang kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Panulat ni Pat Leinee Lorenzo

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,470SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles