Timbog ang isang Wanted Person sa kasong Murder sa isinagawang intel driven operation ng Tabina Municipal Police Station katuwang ang 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company sa Purok Uptown, Barangay Poblacion, Tabina, Zambonga del Sur nito lamang ika-15 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Reuben G Balido, Acting Chief of Police ng Tabina MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Lok-Lok Indong”, 33 anyos, lalaki, at residente ng Barangay Dongos, Dunas, Zamboanga del Sur.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco