Thursday, March 20, 2025

Chief PNP, personal na dinaluhan ang Political Candidates Forum at Peace Covenant Signing sa Cotabato City

Personal na dinaluhan ni Police General Rommel Francisco D. Marbil, Chief, Philippine National Police ang isinagawang Political Candidates Forum at Peace Covenant Signing sa 6th Infantry Battalion Headquarters, Awang, Cotabato City nito lamang ika-18 ng Marso 2025.

Nakiisa rin si Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, sa naturang aktibidad katuwang si COMELEC Chairman Edwin George Garcia, Armed Forces of the Philippines, Cotabato City PNP, at Local Government Unit.

Ang naturang aktibidad na may temang “Safe and Peaceful Election in Maguindanao: Secure and Fair Elections Promoting Equality, Accountability, Cooperation, Empowerment for Unity, and Lasting Peace” ay naglalayong maitaguyod ang mapayapa at maayos na halalan sa darating na eleksyon sa rehiyon.

Dumalo din sa forum ang mga tumatakbong kandidato para sa lokal na posisyon, mga lider ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Bahagi ng programa ang paglagda ng Peace Covenant, kung saan nangako ang mga kandidato na magpapanatili ng kapayapaan, igagalang ang resulta ng eleksyon, at iiwas sa paggamit ng karahasan o pananakot laban sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaisa ang mga dumalo sa panawagang gawing inspirasyon ang halalan upang maitaguyod ang Bagong Pilipinas—isang bansa kung saan namamayani ang kapayapaan, pagkakaisa, at malinis na pamamahala.

Panulat ni Pat Veronica Laggui

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,470SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles