Narekober ang abandonadong narra lumbers na tinatayang nagkakahaga ng Php520,165 ng mga tauhan ng Tanudan Municipal Police Station sa Sitio Darulog, Barangay Dupligan, Tanudan, Kalinga nito lamang ika-17 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Major Connie B Validity, Officer-In-Charge ng Tanudan MPS, kasama ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Kalinga ay agad tinungo ang naturang lokasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa isang mamamayan.
Isinagawa ng DENR-Kalinga ang pag-imbentaryo at naitala ang 23 na piraso ng ginawang tabla mula sa kahoy ng narra na may iba’t ibang sukat na may kabuuang 1,040.33 board feet na tinatayang may halagang Php520,165.
Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng patuloy na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na pagputol ng kahoy, gayundin ng aktibong pakikilahok at suporta ng komunidad sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga iligal na gawain.