Arestado ang tinaguriang Top 9 Provincial Most Wanted Person na may kasong Murder sa operasyon ng mga otoridad sa Barangay Zone 2, Sta. Fe, Leyte nito lamang ika-15 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Glenn P Chavero, Officer-In-Charge ng Sta. Fe Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Rod”, 26 anyos at residente ng Barangay Cabangcalan, Sta. Fe, Leyte.
Naaresto ang suspek bandang 3:51 ng hapon ng mga tauhan ng Sta. Fe Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian