Nasabat ang tinatayang Php120,700 halaga ng hinihinalang ilegal na droga mula sa tinaguriang Top 2 Provincial High Value Individual matapos ang isinagawang joint buy-bust operation na pinangunahan ng mga operatiba ng Maco Municipal Police Station sa Purok 9C, Poblacion, Maco, Davao De Oro nito lamang Marso 16, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jerry T Cabag, Acting Station Commander ng Maco Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Joey”, 33 anyos, isang manggagawa at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 12.50 gramo ng hinihinalang shabu at .3 gramo ng marijuana.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, ang mga operasyon ng Police Regional Office 11 ay patuloy na isinasagawa upang matiyak na ang lahat ng lumalabag sa batas ay mapanagot at magdusa ng kaukulang parusa.
Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang nakatuon sa pagpapairal ng batas, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa mga awtoridad at sa pagpapabuti ng seguridad sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino