Camp Sergio Osmeña, Cebu City – Tinatayang 1.3 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng pulisya sa Central Visayas sa dalawang suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Negros Oriental at Cebu City nang nakaraang Biyernes, Pebrero 25, 2022.
Kinilala ni PBGen Roque Eduardo Vega, Regional Director, Police Regional Office 7 ang dalawang suspek na sina Jaivien Gendrauli alias “Oyok”, 23, residente ng Mambaling, Cebu City at si Herbert Besagar Marino, 26, ng Valencia, Negros Oriental.
Ayon kay PBgen. Vega, si Gendrauli ay kabilang sa Watch List sa ilegal na droga.
Ayon pa kay PBGen. Vega, kapwa nakuhanan sina Gendrauli at Marino ang mahigit-kumulang 100 gramo na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php680,000.
Sinabi ni PBGen. Vega na pasado alas 5:30 ng gabi nang nahuli ng mga miyembro ng Station 11 ng Mambaling, Cebu City Police Office si Gendrauli samantala bandang 8:36 ng gabi nang nadakip si Marino ng pinagsanib na puwersa ng Police Drug Enforcement Unit, Police Intelligence Unit ng Negros Oriental Provincial Police Office, Regional Drug Enforcement Unit 7 at Valencia Municipal Police Station.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PBGen. Vega, ang pagkakadakip sa dalawang suspek ay bahagi sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio
Galing talaga saludo ako s mga pulis
Maraming salamat po sir.