Arestado ang tinaguriang Top 1 Station Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay Liloan, Ormoc City nito lamang ika-14 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Omar Roel B Cartalla, Station Commander ng Ormoc City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Marvin”, 27 anyos at residente ng Barangay Liloan, Ormoc City.
Naaresto ang suspek bandang 7:40 ng gabi ng mga tauhan ng Ormoc City Police Station 3 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Ormoc City PNP ay patuloy sa pagpapatupad sa kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko para sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian