Arestado ng mga otoridad ang nakatalagang Top 2 Municipal Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa Barangay San Jorge, Las Navas, Northern Samar nito lamang Marso 14, 2025.
Kinilala ni Police Captain Jimmy C Tubigan, Officer-In-Charge ng Las Navas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ai”, 30 anyos, residente ng Barangay San Jorge, Las Navas, Northern Samar.
Bandang 8:50 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Las Navas Municipal Police Station, kasama ang Northern Samar Provincial Intelligence Unit, 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company at Novaliches Police Station 4 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan sa bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian