Arestado ng Cebu City PNP ang lalaking may dala-dalang baril matapos mahuli sa akto ng mga awtoridad sa Sitio Samayo, Barangay Lorega, Cebu City, noong ika-15 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Marvin B Fegarido, Station Commander ng Police Station 1, Cebu City Police Office, ang suspek na si “Fubi”, 19-anyos, residente ng F. Villa St., Barangay T. Padilla, Cebu City.

Bandang 10:45 ng gabi ng magsagawa ng foot patrolling ang mga otoridad ng maispatan ang naturang suspek at makumpiska mula rito ang isang unit ng .22 caliber revolver at limang bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at COMELEC Resolution No. 11067 (Gun Ban).
Patunay lamang na patuloy ang pagsuporta ng Cebu City PNP sa kasalukuyang pamahalaan na labanan ang anumang uri ng kriminalidad tungo sa mas mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR