Pinangunahan ng Mallig PNP sa pamumuno ni Police Major Joel B Bumanglag, Chief of Police, ang isinagawang Unity Walk, Interfaith Rally, at Peace Covenant Signing na ginanap sa Mallig Sports Complex, Barangay Centro 2, Mallig, Isabela hapon ng ika-10 ng Marso 2025.
Nakiisa sa aktibidad ang mga lokal na kandidato kasama ang COMELEC Officer na si Ginang Josephine A. Villena, Ginang Alma M. Grande, Municipal Local Government Operation Officer, Rev. Fr. Sherwin R. Abul, St. Joseph Parish Church, Pastor Juanito T. Culinares, Municipal Chaplain, Rev. Fr. Mark Jhon Cordova, Crusaders Divine Church of Christ, BFP- Mallig.


Ang kaganapan ay inorganisa upang isulong ang isang malinis, tapat, at walang karahasan na proseso ng electoral na nagsimula sa isang Unity Walk at sumasagisag sa sama-samang pagsisikap na itaguyod ang demokrasya at paggalang sa isa’t isa. Sinundan ito ng Interfaith Rally, kung saan pinangunahan ng mga kinatawan mula sa mga religious group ang mga panalangin para sa integridad, kapayapaan, at kaligtasan ng mga botante at manggagawa sa halalan.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang pagkakaisa ng mga kandidato para sa isang malinis, ligtas, payapa, at maayos na National and Local Elections 2025.
Source: Mallig Police Station