Boluntaryong sumuko ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur nito lamang Marso 11, 2025.
Kinalala ang mga sumuko na sina alias “Kupaw”, “Nurj”, “Nurh”, “Bad” at “Ad”.

Itinurn-over din ng mga sumuko ang isang Garand Riffle, isang M14 Riffle, isang 9mm Uzi Pistol, at isang M16 Riffle.
Ang mga sumukong indibidwal ay tumanggap ng financial assistance, rice seedlings at motorcycle mula sa Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Datu Hoffer Mayor Bai Bongbong Ampatuan at Maguindanao Del Sur Vice Governor Nathaniel Midtimbang, AFP, at PNP.
Patuloy ang pagsusumikap ng mga awtoridad katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na gustong baguhin ang kanilang maling tinahak na landas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui