Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang hot pursuit operation ng Talibon PNP matapos saksakin ang isang 19-anyos na circus performer sa Purok 1, Barangay Magsaysay, Talibon, Bohol noong Marso 9, 2025.
Kinilala ni Police Major Romar Tuppal Labasbas, Chief of Police ng Talibon Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Raul”, nasa wastong gulang, at ang biktima na si Johnrey, 19-anyos, residente ng Singcang Airport, Bacolod City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 3:40 ng hapon nang nakatanggap ng tawag ang nasabing tanggapan ukol sa insidenteng pananaksak.
Agad na rumesponde ang mga kapulisan upang beripikahin ang insidente at nagsagawa ng hot pursuit operation matapos mapag-alaman ang pagkakakilanlan ng suspek base sa salaysay ng mga testigo.
Matagumpay na naaresto ang suspek at nasa kustodiya ng nasabing tanggapan. Samantala, ang biktima ay kasalukuyang nagpapagaling sa Garcia Memorial Provincial Hospital.
Ang Talibon PNP ay patuloy na naninindigan sa kanilang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at katarungan sa kanilang komunidad dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!
Source: Talibon MPS SR