Wednesday, March 12, 2025

PBGen Fajardo, binisita at personal na nagpaabot ng tulong pinansyal sa pamilyang naulila ni PSSg Cudiamat at PSSg Dela Cruz

Personal na bumisita at nagbigay pugay si Police Brigadier General Jean S Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, sa burol ng mga nasawing pulis na sina Police Staff Sergeant Gian George Dela Cruz at Police Staff Sergeant Dennis Cudiamat, pawang mga tauhan ng Bocaue Municipal Police Station nito lamang ika-10 ng Marso, 2025.

Matatandaang nasawi ang dalawang pulis matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Tambubong Bocaue, Bulacan nito lamang ika-8 ng Marso 2025.

Kasama ni PBGen Fajardo si Police Colonel Satur L Ediong, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na nagpaabot ng pakikiramay sa mga nagdadalamhating pamilya nina PSSg Dela Cruz sa Bocaue, Bulacan at PSSg Cudiamat sa Bulakan, Bulacan.

Ginawaran ni PBGen Fajardo ang dalawang namayapang pulis ng “Medalya ng Kadakilaan” bilang pagkilala sa kanilang pambihirang kabayanihan at di-matatawarang paglilingkod sa bayan.

Naghandog din ng tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya ng dalawang pulis at sinisiguro ng PNP na maibigay ang lahat ng benepisyo lalong lalo na sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Bagamat nagluluksa rin, hinimok ni PBGen Fajardo ang mga naulilang pamilya na manatiling matatag at huwag panghinaan ng loob, dahil kasama ang PNP sa paghahanap ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Binigyang-diin din ni PBGen Fajardo na walang tigil ang PNP sa paghahanap ng hustisya para sa mga nasawing pulis. Inatasan nito ang lahat ng yunit na paigtingin ang operasyon laban sa mga kriminal, partikular sa mga sangkot sa iligal na aktibidad.

Panulat ni Pat Jilly A Peña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,450SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles