Arestado ng pulisya ang tinaguriang Top 9 Provincial Most Wanted Person na may kasong Acts of Lasciviousness sa Barangay Naga, Oras, Eastern Samar nito lamang ika-06 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Ericson D Balbaboco, Acting Chief of Police ng Oras Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Juan”, 62 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Naga, Oras, Eastern Samar.
Bandang 12:15 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Oras Municipal Police Station kasama ang Eastern Samar Provincial Intelligence Unit, Provincial Intelligence Team Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness ng Revised Penal Code Article 336 kaugnay sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may inirekomendang piyansa na Php100,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin upang mapanatili ang ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian