Nakiisa ang mga tauhan ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa isinagawang Unity Walk, Interfaith Prayer Rally, at Covenant Signing na ginanap sa Covered Court, Burgos Avenue, Barangay Sangitan West, Cabanatuan City, nito lamang Biyernes, ika-7 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Ferdinand D Germino, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kasama ang mga kinatawan mula sa Commission on Elections (COMELEC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Education (DepEd) at iba pang kawani ng pamahalaan.
Gayundin, dumalo ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan, civic and non-government organizations tulad ng PPCRV.


Nagsimula ang programa bandang 6:00 ng umaga sa isang panalangin ng iba’t ibang pananampalataya, sinundan ng Unity Walk, at natapos sa Peace Covenant Signing, kung saan pormal na nangako ang mga kandidato na magiging tapat at responsable sa kanilang pangangampanya.
Nilalayon ng aktibidad na ito na pag-isahin ang mga kandidato, ahensya ng gobyerno, at iba pang sektor upang ipakita ang kanilang paninindigan sa pagsunod sa tamang proseso ng eleksyon, at naglalayong tiyakin na ang Halalan 2025 ay magiging payapa, maayos, at makatarungan.
Panulat ni Pat Marimar J Junio