Samal, Bataan (February 25, 2022) – Nagbalik-loob sa gobyerno ang higit-kumulang 95 na miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL) sa Brgy. Imelda, Samal, Bataan noong ika-25 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Ang pagsuko ng 95 na miyembro sa kapulisan at pagbabalik-loob sa gobyerno ay pinangunahan ni Police Colonel Romell Velasco, Provincial Director ng Bataan Provincial Police Office (PPO) at ng kaniyang mga tauhan kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs).
Nagbigay buhay sa maikling programa ang panunumpa na tanda ng pangako sa pagtalikod sa makakaliwang grupo at pagsunog ng bandila ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ang mga kapulisan ng Gitnang Luzon ay hindi titigil sa pangangampanya laban sa insurhensiya para sa katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera, RPCADU 3
Galing naman salamat sumuko na kayo mabuhay ang ating gobyerno