Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang dalawang indibidwal sa Crispulo Street Corner Victory Heights Subdivision, Barangay 180, Caloocan City, bandang alas-3:21 ng hapon nito lamang Sabado, Marso 8, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Grace”, 35-anyos na babae at isang 49-anyos na lalaking construction worker, na kapwa mga residente ng Barangay 180 sa Caloocan City.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang maliit at dalawang medium-sized heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, kabilang ang isang sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na ibinebenta sa transaksyon, na may kabuuang bigat na 61 gramo at may Standard Drug Price na Php414,000, mga perang ginamit bilang buy-bust money, at isang pulang coin purse.
Binibigyang-diin ng tagumpay na ito ang bisa ng AAA Strategy ng NCRPO—Able, Active, and Allied—isang holistic na diskarte sa pagbabawas ng krimen at paglaban sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga kasanayan, pagsasagawa ng maagap na operasyon, at pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa komunidad, tinitiyak ng NCRPO ang walang humpay na paglaban sa mga aktibidad ng ilegal na droga, na ginagawang mas ligtas na lugar ang Metro Manila sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Anthony A Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO.
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos