Nasabat ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Sub-Station 10 sa isinagawang Search Warrant ang mahigit sa Php214,000 halaga ng shabu sa isang 61-anyos na lalaking suspek na naganap sa Barangay East Rembo, Taguig City nito lamang Marso 6, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Manuel Abrugena, District Director ng Southern Police District, kinilala ang suspek na si alyas “Anthony” na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest.
Sa paghahalughog, nakuha ng mga alagad ng batas ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 31.6 gramo at may tinatayang Standard Drug Price na Php214,880, isang itim na pouch, dalawang disposable lighter (berde at orange), isang rolled aluminum foil na may mga marka ng paso, at isang nakatiklop na aluminum foil.
Reklamo para sa mga paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa nasabing suspek.
Patuloy na pinalalakas ng Southern Police District ang mga inisyatiba nito laban sa droga at hinihimok ang komunidad na manatiling mapagbantay. Hinihikayat din ang mga mamamayan na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa droga sa kanilang pinakamalapit na istasyon ng pulisya.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos