Nakibahagi ang mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa isang bloodletting activity na ginanap sa Gobernador, Provincial Capitol Building, Barangay San Vicente, Tarlac City nito lamang Martes, ika-4 ng Marso 2025.
Aktibong nakilahok ang naturang yunit sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Marco Antonio Dadez, Force Commander, na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac na may temang “Dugo Ko, Buhay Mo”.
Sa pamamagitan ng donasyong dugo, nagbigay-pag-asa ang mga kapulisan sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transfusion.
Ang kanilang pakikilahok ay patunay ng dedikasyon hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi pati na rin sa pagbibigay ng serbisyo at malasakit sa komunidad.
Ang Tarlac PNP ay nananatiling handang magbigay ng tulong—anuman ang paraan—upang makapagbigay ng proteksyon at pag-asa sa bawat Pilipino.