Arestado ang Top 6 Regional Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng CIDG Misamis Occidental katuwang ang Siay Municipal Police Station, Aloran Municipal Police Station at Misamis Occidental Police Intelligence Unit nito lamang ika-4 ng Marso 2025 na naganap sa Purok 1, Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ni Police Major Gilbern F Banderado, Chief ng CIDG Misamis Occidental, ang suspek na si alyas “Chris”, 40 taong gulang at residente ng Purok 5, Toril, Aloran, Misamis Occidental.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na walang inirekomedang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad at magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.