Mahigit Php1,020,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Tagoloan Municipal Police Station nito lamang ika-7 ng Marso 2025 sa Zone 3, Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental.
Kinilala ni Police Brigadier General Jaysen C de Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, ang dalawang suspek na sina alyas “Pabby”, 40 anyos at alyas “Ronny”, 18 anyos, pawang mga residente ng Zone 3, Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental.

Nakumpiska ang 150 na gramo ng shabu na may tinatayang halaga na Php1,020,000; isang color green canister na double mint brand gum; isang weighing scale; isang maroon na belt bag; at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Patuloy po ang inyong kapulisan sa rehiyon diyes sa kampanya kontra ilegal na droga. Hinihikayat ko po ang publiko na magmasid sa paligid at ireport ang anumang iligal na aktibidad na makikita nila sa kanilang lugar”, pahayag ni RD De Guzman.