Arestado ng mga awtoridad ang nakatalagang Top 8 Regional Most Wanted Person ng Angeles, Pampanga na may kasong Murder sa Barangay Haguikhikan, Naval, Biliran nito lamang ika-03 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Sherwin Amando L Machete, Officer-In-Charge ng Naval Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Red”, 18 anyos at residente ng Barangay Haguikhikan, Naval, Biliran.
Bandang 1:36 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Naval Municipal Police Station, kasama ang Biliran Provincial Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian