Timbog ang isang dating kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos mahulihan ng kabuuang Php714,000 halaga ng droga sa operasyon ng PNP Drug Enforcement Group (PNP DEG) sa Barangay Baan, Butuan City bandang 9:38 ng gabi nito lamang Marso 4, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Garry”, High Value Individual, 38 anyos, residente ng Purok 5, Barangay Caasinan, Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Nakumpiska ang tinatayang 105 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na Php714,000; Php150,000 buy-bust money; isang (1) unit na kulay Matte Gray Yamaha MT-15 (Plate no. 845ZQP); isang (1) unit Samsung keypad cellphone; dalawang pirasong Identification Cards; tatlong (3) pirasong ATM cards; isang (1) itim na sling bag; at isang (1) itim na coin purse.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group SOU 13 sa pangunguna ni Police Captain Anthony T Navarro sa ilalim ng superbisyon ni Police Colonel Jerone Orville P Panganiban, katuwang ang Butuan City Police Station-1 (BCPS-1) at sa koordinasyon ng PDEA RO XIII.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng mga awtoridad ng Butuan PNP laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.
Panulat ni Pat Karen Mallillin