Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Baliok Police Station sa Purok 9 Malinan, Barangay Catigan, Toril District, Davao City nito lamang Marso 4, 2025.
Kinilala ni Police Major Hatol L Untalan, Acting Station Commander ng Baliok Police Station, ang suspek na si alyas “Migo”, 29 anyos at residente ng nasabing lugar.
Mula sa suspek, narekober ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 10.40 gramo at may Standard Drug Price na Php70,720, Norinco AK-47 Rifle, magasin na may lamang 17 na bala, cellular phone, isang pakete ng sigarilyo na walang laman at buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy naman ang mga operasyon ng Police Regional Office (PRO) 11 bilang bahagi ng masusing hakbang upang labanan ang kriminalidad at tiyakin ang kaligtasan at katahimikan sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino