Tinatayang mahigit Php2.2 milyong halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre at sinunog ng mga operatiba ng Benguet sa isang communal forest sa Sagubo, Kapangan, Benguet nito lamang ika-2 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office CAR katuwang ang Kapangan Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.



Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng limang plantasyon ng pinagbabawal na tanim na may kabuuang lawak na 1,480 square meters na may tanim na mahigit kumulang 10,750 Fully Grown Marijuana Plants na may kabuuang Standard Drug Price na Php2,218,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga Fully Grown Marijuana Plants.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga sa kanilang nasasakupan alinsunod sa pangunahing prayoridad ng administrasyon tungo sa isang Bagong Pilipinas.