Masayang ipinagdiwang ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company ang Buwan ng Kababaihan sa Warrior’s Nest, Puguis, La Trinidad, Benguet noong Marso 4, 2025.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dominador D. Mauricio, Force Commander, ang programa, na dinaluhan naman ng Benguet Officers Lady’s Club, Anahaw Force Multipliers, iba’t ibang NGOs, at mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office upang ipakita ang suporta sa kababaihan at sa adbokasiya ng isang luntiang kapaligiran.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa ng Zumba session upang hikayatin ang pisikal na aktibidad at malusog na pamumuhay, at sinundan ito ng isang tree-planting activity bilang simbolo ng paglago at pangangalaga sa kalikasan.
Ang selebrasyon ay may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Layunin nitong kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.
Patuloy na sinusuportahan ng Benguet 2nd PMFC ang mga programa para sa kababaihan, kalusugan, at kalikasan bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa mas inklusibo at progresibong komunidad.