Arestado ng mga awtoridad ang isang Top 3 Regional Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest para sa iba’t ibang kasong may kaugnayan sa pang-aabuso sa bata sa Barangay Bagbag, Bauang, La Union, dakong alas-1:00 ng madaling araw nitong Marso 3, 2025.
Kinilala ang suspek bilang si alyas “Jojo,” 24 anyos, walang trabaho, at residente ng Barangay Upper San Agustin, Bauang, La Union.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape (walang piyansa), paglabag sa Republic Act 11930, Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSEAC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM) Act.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Bauang Police Station, katuwang ang iba pang yunit ng kapulisan. Mahigpit na ipinatupad ng mga operatiba ang mga itinakdang alituntunin ng Korte Suprema, kabilang ang paggamit ng Body-Worn Camera, upang matiyak ang patas, maayos, at transparent na pagsisilbi ng warrant laban sa suspek.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng mahigpit na pagpapatupad ng batas sa ilalim ng Bagong Pilipinas, na naglalayong masugpo ang anumang uri ng pang-aabuso at masiguro ang kaligtasan ng kabataan.
Ipinapakita nito ang mabilis at epektibong aksyon ng mga awtoridad sa pagprotekta sa mga biktima at pagpapapanagot sa mga lumalabag sa batas.
Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr