Arestado ng mga tauhan ng Ozamiz City Police Station ang isang Most Wanted Person sa Provincial Level sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Carangan, Ozamiz City, Misamis Occidental.
Ayon kay Police Colonel Rommel B. Magleo, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas “Gong-gong”, 64 anyos na lalaki, may asawa, at residente ng naturang barangay.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong Acts of Lasciviousness (3 counts) sa ilalim ng Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na may halagang Php180,000.
Pinuri ni PCol Magleo ang mga tauhan ng Ozamiz City PNP sa mabilis na aksyon at nanawagan sa publiko na patuloy na suportahan ang mga hakbang ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia