Nakumpisa sa bisa ng search warrant ang isang .38 revolver mula sa isang indibidwal sa Purok 1, Barangay Poblacion, Laak, Davao de Oro nito lamang ika-2 ng Marso, 2025.
Kinilala ni Police Major June Eric B Deguito, Acting Station Commander ng Laak Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mokoy”, 29 anyos, residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang operasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang mapanagot ang lahat ng maysala at matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino