Agusan del Sur (February 24, 2022) – Pormal ng inilipat ng kulungan si Dr. Maria Natividad Castro matapos maglabas ang korte ng commitment order na nag-uutos sa paglipat nito sa Provincial Jail sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur nitong Biyernes, February 24, 2022.
Ayon pa kay Police Major Dorothy Tumulak, Chief, Police Information Officer, Police Regional Office 13, kasunod ng ibinabang commitment order kay Dr. Castro doon na aniya natapos ang responsibilidad ng PNP sa kaso nito mula nang siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest at tagumpay na naibalik sa korte.
Matatandaang si Dr. Castro ay hinuli ng mga awtoridad noong February 18, 2022 sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Barangay San Perfecto, San Juan City. Si Castro o mas kilalang “Ka Yammy, Ka Ami or Doc” ay hinihinalang isa sa mga nagrerecruit ng mga health professionals upang umanib sa NPA. Kabilang din siya sa mga tagagamot ng mga sugatang rebelde at sa mga fund-raising activities ng CPP-NPA- NDF.
Muli namang iginiit ni Police Major Tumulak na walang nilabag ang PNP at AFP sa pag-aresto nito kay Doctor Castro, aniya, “Irerespeto po namin kung ano yung opinyon ng pamilya, ng mga supporters niya as long as yung mandato ng PNP lalong-lalo na ng PRO13 na arestuhin siya ay naisakatapuran at naibalik namin siya sa korte.”
Payo naman ni PMaj Tumulak sa kampo ni Castro na sa korte na patutunayan kung inosente ito, “May mga remedy naman na sasagutin niya, ika-counter nila. Isa lang talaga ang masasabi namin: legal ho yong operation ng PNP sa pag-aresto kay Doc Naty,” dagdag pa niya.
Para sa kabuuang ulat: Dr. Naty Castro, wala na sa kustodiya ng PNP – YouTube
Video courtesy of: UNTV News and Rescue
Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento
Wala man lang courtesy sa UNTV for the thumbnail eh
sir, nakalagay po sa baba yung source namin bilang courtesy sa may ari.
Tagumpay tunay n maaasahan ang mga awtoridad s pagpapatupad ng batas..salamat s inyo