Nasabat ang tinatayang Php102,000 halaga ng shabu mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 6 sa Lapu-Lapu Drive, Barangay Arena Blanco, Zamboanga City noong Marso 3, 2025.
Kinilala ni Police Major Xyronne P Caronan, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 6, ang mga suspek na sina, alyas “Rasid” (SLI), 41 anyos, kasal, tindero ng isda, at alyas “Al”, 20 anyos, binata, nakapagtapos ng high school, walang trabaho.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 15 gramo at may street value na Php102,000, isang itim na belt bag, isang piraso ng Php500 bill na ginamit bilang marked money, at isang unit ng kalibre .38 baril na walang lisensya na may serial number na “PROTCCTO” at may limang bala.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms.
Pinatunayan ng matagumpay na operasyon ang patuloy na pagsisikap ng Zamboanga PNP na sugpuin ang mga drug network at habulin ang mga indibidwal na sangkot sa iligal na bentahan ng droga.
Panulat ni Pat Joyce Franco