Arestado ng pulisya ang isang Top 2 Municipal Most Wanted Person na may kasong Qualified Rape sa Barangay Liburon, San Fernando, Cebu, noong ika-3 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Michael C Gingoyon, Acting Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si “Cirilo”, 36-anyos, isang construction worker at residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 12:50 ng madaling araw ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape na walang rekomendadong piyansa.
Patunay lamang na ang kapulisan ng San Fernando ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na hulihin ang mga nagkasala sa batas upang magkaroon ng maunlad na bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: San Fernando MPS SR