Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Alegria, Julita, Leyte nito lamang ika-2 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Rameses S Bardillon, hepe ng Leyte Provincial Drug Enforcement Unit, ang suspek na si alyas “Boret”, 44 anyos at residente ng Barangay Alegria, Julita, Leyte.
Bandang 5:19 ng umaga ng ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit, kasama ang Leyte Provincial Intelligence Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Nakumpiska sa suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 11.05 gramo na nagkakahalaga ng Php75,140, isang genuine 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at isang maliit na plastic container.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pagpapaigting ng Pambansang Pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno sa kampanya laban sa ilegal na droga para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian