Sunday, May 11, 2025

Php102K halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust ng PNP at PDEA-BARMM

Arestado ang limang indibidwal at nakumpiska ang tinatayang Php102,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA BARMM sa Purok Ulandangan 2, Poblacion Mother, Cotabato City nito lamang Marso 1, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Jibin M Bongcayao, City Director ng Cotabato City Police Office, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Datu”, 42 anyos, drug den maintainer; alyas “Jay”, 39 anyos; alyas “Inday”, 34 anyos; alyas “Burloloy”, 34 anyos; at alyas “Datu Raf”, 39 anyos.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 24 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php102,000, buy-bust money, ilang drug paraphernalia, at dalawang unit ng mobile phones.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.

Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP at PDEA-BARMM laban sa iligal na droga sa rehiyon. Hinihikayat din ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga kinauukulan.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles