Arestado ang isang magsasaka matapos makumpiskahan ng baril at ilang pakete ng hinihinalang shabu sa operasyon ng pulisya sa Barangay Poblacion 1, Banisilan, Cotabato nito lamang umaga ng Pebrero 28, 2025.
Sa bisa ng Search Warrant, inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Banisilan Municipal Police Station (MPS), Cotabato Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 12, Cotabato Provincial Mobile Force Company, at PNP SAF ang operasyon laban sa suspek na si alyas “Edwin”, 48 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Poblacion 2, Banisilan, Cotabato.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng kalibre .38 revolver, limang bala ng kalibre .38, dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Ang search warrant ay inilabas ni Hon. Judge Christina T. Haw Tay-Jovero ng RTC 12, Branch 24, alinsunod sa paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Paalala sa publiko ng PNP na may karampatang parusa ang sinumang mahuli na nagtatago ng mga hindi lisensyadong armas lalong-lalo na sa ipinagbabawal na gamot sa kanilang mga tahanan.