Nasamsam ang tinatayang Php168,300 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang motorista sa isang fixed checkpoint sa Barangay Licanan, Lasang, Davao City nito lamang ika-27 ng Pebrero, 2025.
Kinilala ni Police Major Ian James S Acal, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Limuel”, 41 anyos na naninirahan sa Barangay Communal, Davao City.
Narekober ang tinatayang 24.75 gramo ng hinihinalang shabu, iba pang non-drug items at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
Sa pamamagitan ng regular na operasyon at proaktibong hakbang, patuloy ang pagsisikap ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang ipakita ang malasakit at dedikasyon sa paghahatid ng isang napapanatiling kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino