Nasamsam ang Php2,500,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang oprasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sulu Provincial Field Unit sa ilalim ng OPLAN MEGA SHOPPER sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu nito lamang ika-28 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Colonel Jef Briones Uy, Provincial Director ng Sulu Police Provincial Office, naging matagumpay ang naturang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sulu Provincial Field Unit (PFU) katuwang ang Indanan MPS, Sulu Police Provincial Office, Sulu PIT-RI9, 1st PMFC Sulu, Sulu PIU SPPO, at RMFB14.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 50 kahon ng New Castle cigarettes o katumbas ng 25,000 kaha, na may halagang Php2,500,000.
Patuloy na pinalalakas ng mga awtoridad ang kampanya laban sa smuggling upang ipatupad ang batas at protektahan ang mga lehitimong negosyante mula sa masamang epekto ng iligal na kalakalan.
Panulat ni Pat Veronica Laggui