Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Canticum, Calbiga, Samar nito lamang Pebrero 26, 2025.
Kinilala ni Police Major Marval S Diaz, Company Commander ng 802nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Ar-ar”, 36 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Magdawat, Pinabacdao, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon at panawagan ng mga tauhan ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at Pinabacdao Municipal Police Station.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 802nd Maneuver Company, RMFB 8 para sa dokumentasyon at facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong at suporta ang ating gobyerno sa mga nais magbalik-loob sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa na naglalayong magbigay ng bagong simula sa kanilang mga buhay.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian