Nasabat ang tinatayang Php753,100 halaga ng hinihinalang shabu mula sa mga tinaguriang Top 5 at Top 7 City Level Drug Personality sa isinagawang buy-bust operation sa Royal Valley, Barangay Talomo, Davao City nito lamang ika-27 ng Pebrero, 2025.
Pinangunahan ang nasabing operasyon ng mga tauhan ng Sasa Police Station katuwang ang TSC RMFB 11.
Kinilala ni Police Major Marcille M. Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Boss” (Top 5 City Level), 47 anyos, isang negosyante at alyas “Manilyn” (Top 7 City Level), 35 anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigit kumulang 110.75 gramo ng shabu at iba pang non-drug evidence at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Sa pamamagitan ng mga tuloy-tuloy na operasyon, mas pinapalakas ng Police Regional Office 11 ang kampanya laban sa ilegal na droga, isang seryosong isyu na may malaking epekto sa seguridad at kalusugan ng buong komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino