Nasamsam mula sa isang High Value Individual (HVI) ang tinatayang Php340,000 halaga ng ilegal na droga at ilegal na baril sa Barangay Laoang, Lungsod ng Tarlac nito lamang ika-24 ng Pebrero 2025.
Pinangunahan ng iba’t ibang yunit ng pulisya kabilang ang Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU), 1st PMFC, at Tarlac City Police Station ang operasyon.


Bitbit ang Search Warrant No. 2025-005 na ipinalabas, nagtungo ang mga awtoridad sa tirahan ng suspek na si alyas “Rudy,” 38-anyos na residente ng naturang barangay na kung saan narekober ang isang caliber .45 pistol na may bala, dagdag pang magasin na naglalaman ng apat na bala, at isang Magnum .357 bullet, isang medium plastic sachet at walong maliit na heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo at halagang Php340,000 pati na rin ang iba’t ibang drug paraphernalia.
Patuloy ang Tarlac PNP sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.