Arestado ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person na Commander ng Communist Terrorist Group sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga awtoridad sa Barangay Doña Andrea, Asuncion, Davao del Norte nito lamang ika-23 ng Pebrero, 2025.
Kinilala ni Police Major June Eric B Deguito, Officer-In-Charge ng Laak Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jerry”, 39-anyos mula sa Veruela, Agusan del Sur.
Ang suspek ay dinakip sa kasong kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Police Regional Office 11 upang mapanagot ang lahat ng maysala at matiyak na napapanatili ang kaayusan sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino